[Video] Suspect Michael Nartea admitted he does not know RJ Bautista

FacebookTumblrTwitterBlogger PostEmailGoogle GmailShare



Can’t play the video? Watch it at ABS-CBN News website.


Interview of Michael Nartea, the “alleged gunman”

…Mayroon ding Facebook page na “Ramon Joseph ‘RJ’ Bautista is Innocent” na nananawagan naman ng hustisya para kay RJ.

Sa Facebook page na iyon, may naka-post na video ng pakikipag-usap sa mga suspek na sina Michael Nartea at Jay Francis Tolisora habang nasa likod ng rehas.

Dalawang babae ang kumakausap sa 2 suspek na paminsan-minsan ay sinisingitan pa ng boses ng lalaki.

Man: ‘Yung sugat sa kamay.

Woman 1: Naano ho iyan?

Answer: Ito ho ‘yung sugat na ito, napaaway ako nito 2 days ago bago nila ako hulihin. Ibig sabihin naghilom kaagad ng ganito? Hindi dapat ‘di ba? Sariwa pa dapat.

Tinanong din ng 2 babae kung kakilala si Joseph, bagay na sinagot din ng suspek.

Woman 2: Pero hindi, si Joseph, kilala niyo ba? Nakausap niyo ba?
Answer: Si Joseph, sabi niya kilala raw niya (Ruel Puzon) eh.

Woman 1: Kayo hindi niyo kilala? Siya sabi niya kilala niya?

Woman 2: Pero kayo ba ang nagpunta kay Ramgen?

Answer: Hindi, hindi.

Woman 2: Totoo? Hindi kayo nagsisinungaling?

Answer: Mamatay na ho ang mga anak namin, mga anak ko. Lima ho ang anak ko. Hindi ko kayang gawin iyon.

Ni minsan hindi nagpakita sa video ng mukha ang mga kumausap sa dalawang suspek pero sa kanilang pag-uusap ay malinaw namang sinasabihan ang dalawa na magsabi ng totoo para mapawalang-sala ang kapatid nila.

Woman 2: Sana naman ho kapag may nag-interview sa inyo sabihin niyo ang totoo para naman mapawalang-sala kapatid namin.

Woman 1: Kawawa naman.

Woman 2: ‘Di ba?

Woman 1: Kawawa naman ho, parang awa niyo na.

Woman 2: Kami ho, tatay ko may sakit pa. Iyon lang ho pakiusap namin ha, sabihin niyo totoo. ‘Yung sinabi niyo sa amin, iyun din ang puwede niyong sabihin du’n sa mag-aano sa inyo. Ano po?

May mga sumusuporta at mayroon din namang kumokontra sa Facebook page na ginawa ng pamilya Bautista.

Sanga-sanga ang maaaring epektong idulot nito sa isip ng publiko pero sa kaso ay walang kasiguruhan kung makakatulong ito. Jorge Cariño, Patrol ng Pilipino



This post has been seen 595 times.
Tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *